Panahon Ng Taglamig Sa
Ang malakas na pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha, at, sa ilang mga lugar ng Seattle, maaari rin nitong matabunan ang sistema ng imburnal at maging sanhi ng pag-apaw ng imburnal.
Ang mga tauhan ng SPU ay naghahanda para sa basang panahon ng Seattle sa pamamagitan ng pagsuri sa mga mahahalagang bahagi ng ating sistema ng daluyan ng tubig upang linisin ito, magsagawa ng pagpapanatili, at gumawa ng mga kinakailangang pagkukumpuni.
Sa kasagsagan ng mga bagyo, maging handa, manatiling ligtas, at makakuha ng kaalaman.
Bago Umulan
Iwasan ang pagbaha sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga dahon at basura sa inyong daluyan ng tubig-ulan.
Magkalaykay ng mga dahon sa inyong bakuran bago ito magbara sa mga daluyan ng inyong kapitbahayan.
Ilagay ang mga dahon sa pangbakuran basurahan subalit ilagay ang basura sa basurahan.
Kung mayroon kayong maraming mga dahon, ang mga customer ng sambahayan ay maaaring maglabas ng hanggang 10 bag ng dagdag na basura sa bakuran bawat araw ng koleksyon nang libre sa Nobyembre.
Kapag Umuulan
Tumawag sa (206) 386-1800 (mayroong libreng serbisyo ng pagsasalin) Lunes hanggang Biyernes 24 oras kada araw kung kayo ay mayroong makitang mga problema sa pagbaha o imburnal.
Manatiling ligtas at makakuha ng mga pag-update sa kasagsagan ng mga malakas na bagyo sa pamamagitan ng pagbisita sa atyourservice.seattle.gov at pagsunod sa social media ng SPU.
Ang panahon ng tag-lamig ay maaaring magdulot ng mga nagyeyelong tubo ng tubig at di ligtas na mga kondisyon ng kalsada para sa mga SPU na nakontratang taga-hakot, na kumukulekta ng basura, pag-recycle, at mga naitapon na mga basurang pagkain/bakuran.
Nagsusumikap ang SPU sa paghahanda sa mga pagsubok na ito upang, kung may mga naganap na bagyo sa tag-lamig, maaari nating tugunin ang mga epekto at suportahan ang mga komunidad na ating sinisilbihan.
- Protektahan ang inyong mga tahanan sa mga sira ng mga tubo ng tubig sa pamamagitan ng pagdiskonekta ng mga hose sa hardin, balutin ang mga nasa labas na mga tubo at gripo, at pagbalot ng mga tubo sa mga espasyo sa ilalim ng bahay, sa silong o attic. Alamin pa ang tungkol sa paghahanda ng inyong mga tubo ng tubig.
- I-download ang Recycle It App sa inyong smartphone o tablet upang maging updated sa mga pagkaantala ng pagkokolekta gawa ng di-ligtas na maniyebe at mayelo na kondisyon ng mga kalsada.
- Sundan ang SPU sa Twitter, Facebook, at Instagram para sa mga tip kung papano maghanda at mga impormasyon sa oras na tumama na ang panahon ng tag-lamig.
- Mag-signup sa AlertSeattle, ang opisyal na sistema sa pag-aalerto ng emerhensiya ng Lungsod ng Seattle, at manatiling updated sa pagtugon ng Lungsod sa bagyo sa taglamig.
Nagyelong mga Tubo
Ang malamig na temperatura ay maaaring magdulot ng pagyelo at pagkasira ng mga tubo. Kung iyan ay mangyari kinakailangan ninyo:
Agad-agad isara ang pangunahing shut-off valve, na kadalasay nasa silong, espasyo sa silong, o garahe, upang mahinto ang pagbabaha. Kung hindi ninyo maisara ang pangunahing shut-off valve, maaaring tawagan ng mga customer ng SPU ang (206) 386-1800 at isang crew ang magsasara ng tubig sa metro para sa isang serbisyong mababayaran.
Alamin pa ang tungkol sa kung ano ang gagawin kung masira ang tubo ng tubig.
Mga Pagkaantala sa Koleksyon
Sinusubaybayan ng SPU ang pagtatantiya sa panahon at malapit na nakikipag-komunikasyon sa aming mga nakontratang taga-hakot. Magpapadala ng notipikasyon ang SPU kung ang mga di-ligtas na mga kondisyon ng kalsada ay makakaabala sa pagkolekta ng inyong basura, pag-recycle, at mga basurang pagkain/bakuran.
Tingnan ang mga sumusunod para sa mga update sa tagal ng bagyo at mga pangyayari sa mga panahon ng tag-lamig:
- seattle. gov/utilities
- Alert Seattle
- Recycle It App
- Social media: Twitter, Facebook, Instagram, Nextdoor
- At Your Service na blog
Alamin ang tungkol sa mga tugon sa bagyo sa taglamig ng Lungsod