PANAHON NG TAGLAMIG
አማርኛ • اَلْعَرَبِيَّةُ • 繁体字 • 简体中文 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • Oromiffa • русский язык • af-Soomaali • Español • Tagalog • ភាសាខ្ម • ትግርኛ • Tiếng việt • English
Maligayang pagdating sa website ng Winter Weather Response ng SDOT kung saan inyong makikita ang mga pagkukunan na makakatulong sa inyong paghanda para sa mga bagyo sa taglamig at alamin kung papaano tutugon ang SDOT nang kanilang mapanatili ang ligtas na pagkilos sa Seattle.
Mga Pagkukunan
I-DOWNLOAD
Mga Mapa sa Panahon Tag-lamig
- Mapa ng Pagtugon sa Panahon ng Taglamig
- Ang Mapa ng Ruta ng Pag-araro ng Nyebe sa Seattle
- Mapa ng mga Camera para sa Trapiko
Mga karagdagang Pagkukunan
Panatiliing na ang mga Bangketa ay Walang Sagabal
Panatiliing walang sagabal ang mga bangketa sa harapan ng inyong tahanan o negosyo sa panahon ng bagyong nyebe. Ito ang batas at ang tamang gawain nang ligtas ang pagbiyahe ng lahat, lalo na ang mga taong hirap sa paglilibot.
Ang Seattle ay mayroong mahigit na 2,400 milyang bangketa, at hindi agad mapupuntahan lahat ng sabay sabay ng aming aming mga tauhan. Kami ay umaasa na inyong gagawin ang inyong bahagi, nang aming matugunan ang pagtatanggal ng sagabal sa mga bangketa na hindi malapit sa pribadong pag-aari na gusali at panatiliin na walang sagabal ang mga pinaka-kritikal na kalye sa lungsod.
- Maghanda --- Magimbak bago dumating ang bagyo. Magkaroon ng pala pang-nyebe, bag na asin pang-kalye, makakapal na damit, dagdag na kumot, flashlight, first aid kit, at mga naitabing pagkain/tubig/gamot na makakatagal ng di bababa ng tatlong araw.
- Bago Mag-yelo -- Magkalat ng asin (o ibang produktong maselang sa kapailigiran) sa inyong bangketa, mga nilalakaran at mga rampa sa kurbada nang maiwasan ang pag-yelo.
- Tugunin ang inyong Kapitbahay -- Makitugon sa inyong kapitbahay kung alam mong magagamit nila ang inyong tulong. Makipag-ugnayan at gumawa ng plano upang matiyak na ang inyong bahagi ng bangketa, mga daluyan ng tubig-bagyo, at mga rampa sa kantong kurbada ay walang sagabal na nyebe/yelo.
- Kapag umulan ng Nyebe -- Alisin ang sagabal sa mga Bangketa --- Tanggalin ang mga sagabal sa bangketa sa harap ng inyong tahanan o negosyo bawat 12 oras bago maging yelo ang nyebe.
Nakipagsosyo kami sa Rooted in Rights upang lumikha ng video nang maturuan ang mga tao sa kahalagahan ng pag-tatanggal ng sagabal na nyebe at yelo sa mga bangketa katabi ng kanilang mga tahanan, mga negosyo, at mga lugar ng trabaho. Ang impormasyon na ito ay makakapag-padali at gawing ligtas para sa lahat na makapag-libot matapos ang bagyong tag-lamig!