NE 130th & NE 125th Mobility and Safety Project

Na-update noong Agosto 31, 2023

Ano na ang Nangyayari sa Ngayon?

Ang light rail ay paparating sa NE 130th St malapit sa I-5 sa 2026 at nagsusumikap kaming gawing mas ligtas at madaling makarating sa estasyon at sa paligid ng inyong kapitbahayan. Kami'y nasa mga maagang yugto ng pagpaplano at disenyo para sa mga pagpapabuti at gusto naming makarinig mula sa inyo. Kasama sa aming mga panukala sa disenyo ang feedback na natanggap sa panahon ng NE 130th St & Shoreline South/NE 148th Stations: Multimodal Access Study at 130th at 145th Station Area Planning na proseso. Magpatuloy sa pagbabasa sa ibaba para sa dagdag na impormasyon sa mga panukala sa disenyo at upang sabihin sa amin kung ano ang inyong iniisip tungkol sa mga panukala at ang inyong pananaw para inyong kapitbahayan. Marami kaming mga paraan para magbigay ng feedback sa proyekto:

  • Punan ang amingonline feedback form (tatagal lamang ng humigit-kumulang na 10 minuto upang makumpleto)
  • Huminto sa isa sa aming mga drop-in na sesyon kasama ng kawani ng proyekto sa komunidad (aming i-aanunsyo ang mga petsa at mga oras habang ang mga ito ay nakaiskedyul)
  • Padalhan kami ng email sa NE130thSt_NE125thSt_Project@seattle.gov o tawagan kami sa (206) 400-7515

Kami'y nakikipagsosyo rin sa mga organisasyong nakabatay sa komunidad upang kumonekta sa lahat ng mga miyembro ng komunidad.

Upang makakuha ng pinakabagong impormasyon sa mga aktibidad ng proyekto, hinihikayat namin kayo na magpalista para sa mga email na update.

 

Mga Panukala sa Disenyo 

Ang mga sumusunod na panukala sa disenyo ay nasa ilalim pa rin ng pagsusuri at hindi pa panghuli.

NE 130th St: 1st Ave NE to 3rd Ave NE (mapa)


  • Two-way shared use path sa hilagang bahagi para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, at gumugulong

  • 1 pangkalahatang gamit sa pagbiyahe na daanan sa bawat direksyon

  • Two-way center na daanan para sa likong pakaliwa

  • Planting strip na may mga puno sa kalye

NE 130th St I-5 overpass: 3rd Ave NE to 5th Ave NE (mapa)

  • Two-way shared use path sa hilagang bahagi para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, at gumugulong

  • 1 pang-bus lamang na daanan sa gitna ng patungong timog na I-5 na on ramp at 5th Ave NE upang paglingkuran ang nakaplanong hintuan ng bus sa timog-kanlurang kanto ng NE 130th St at 5th Ave NE

  • 1 pasilangan na pangkalahatang gamit na daanan

  • 2 pakanlurang pangkalahatang gamit na daanan

  • Planted median mula 3rd Ave NE hanggang pasilangan na I-5 na on ramp

  • Walang pasilangan na mga likong pakaliwa mula 130th St papunta sa pahilagang 5th Ave NE para mahusay ang access sa istasyon at daloy ng trapiko

Roosevelt Way NE: West of 8th Ave NE (mapa)

  • Two-way na protektadong daanan ng bisikleta (na nagiging one-way na daanan ng bisikleta sa silangan ng 8th Ave NE)

  • 1 pasilangan na pangkalahatang gamit na daanan

  • 1 pakanlurang pangkalahatang gamit na daanan

  • 1 two-way sa gitnang daanan para sa likong pakaliwa

 

Roosevelt Way NE: East of 8th Ave NE (mapa)

  • Nagiging isang one-way na protektadong daanan ng bisikleta sa magkabilang panig ng kalye

  • 1 pasilangan na pangkalahatang gamit na daanan

  • 1 pakanlurang pangkalahatang gamit na daanan

  • 1 two-way sa gitnang daanan para sa likong pakaliwa

 

NE 125th St: 10th Ave NE to Lake City Way NE (mapa)

  • Protektadong mga daanan ng bisikleta sa magkabilang panig ng kalye

  • 1 pasilangan na pangkalahatang gamit na daanan

  • 1 pakanlurang pangkalahatang gamit na daanan

  • 1 two-way sa gitnang daanan para sa likong pakaliwa

PANGKALAHATANG PANANAW NG PROYEKTO

Bubuksan ng Sound Transit ang NE 130th St Infill Station sa NE 130th St malapit sa I-5 sa 2026. Ang bagong istasyon ay magdadala ng humigit-kumulang 3,300-3,700 na mga araw-araw na sumasakay na 90% sa kanila ay darating sa pamamagitan ng paglalakad, pagbibiskleta, paggulong o transit. Upang magbigay ng mas mahusay na access sa bagong light rail station, nagsasagawa kami ng mga pagbubuti sa kahabaan ng NE 130th St, Roosevelt Way NE, at NE 125th St sa pagitan ng 1st Ave NE at Lake City Way NE. Ang mga pagbubuting ito ay gagawing mas madali at mas komportable para sa taong naglalakad, nagbibikleta, gumugulong, at sumasakay.

Mga Layunin ng Proyekto

  • Pahusayin ang access at gawing mas madali para sa mga taong kumukonekta sa bagong light rail station sa pamamagitan ng NE 130th St, Roosevelt Way NE, at NE 125th St

  • Bawasan ang malubhang pinsala at nakamamatay na pagbanggaan sa pagitan ng mga sasakyan at mga taong naglalakad, nagbibiskleta, at gumugulong

  • Gawing mas ligtas at mas madali para sa mga taong nagbibisikleta at nagmamamaneho na makibahagi sa kalsada

  • Pahusayin ang dalas ng bus at pagkamaaasahan at suportahan ang bagong serbisyo mula sa King County Metro

  • Pagandahin ang karanasan para sa mga taong sumasakay sa bus

  • Isama ang feedback ng komunidad sa disenyo ng proyekta

Ang mga Pagbabago ng Proyekto ay Kinabibilangan ng:

  • Pagdagdag ng protektadong mga daanan ng bisikleta sa buong lugar ng proyekto, kasama ang isang bagong shared use path para sa paglalakad, pagbibisikleta, at paggugulong sa hilagang panig ng NE 130th St

  • Pagdaragdag ng mga bagong hintuan ng bus sa 8th Ave NE at 10th Ave NE at pag-upgrade ng mga napiling kasalukuyang hintuan ng bus upang maghanda para sa nakaplanong bagong serbisyo ng King County Metro

  • Pag-install ng mga daanan ng bus at ibang mga tampok na priyoridad ng bus upang mapabuti ang dalas at pagiging maaasahan

  • Pag-update ng mga disenyo ng kalye at intersection upang mabawasan ang mga bungguang nakamamatay at malubhang pinsala

  • Pag-update ng mga disenyo ng kalye upang mabawasan ang mga salungatan sa pagitan ng mga sasakyan at mga taong nagbibisikleta

  • Mga pagpapahusay sa tawiran tulad ng leading pedestrian intervals upang bigyan ang mga taong naglalakad ng maagang simula, mga bagong may signal na tawiran, at paghihigpit sa mga palikong kanan kapag pula

  • Pag-ayos ng mga bangketa at mga bagong mapupuntahang na mga kurbadang rampa sa mga piniling lokasyon

Nakikipag-ugnayan ang SDOT sa Sound Transit at King County Metro upang gawin itong mga pagpapabuti at dagdagan ang transit access sa lugar. Dagdag sa bagong light rail na serbisyo, nagpaplano ang King County Metro ng bagong serbisyo ng bus upang suportahan ang access sa NE 130th St Infill Station. Inaasahan naming makarinig mula sa inyo ng tungkol sa kung paano ang proyektong ito ay makakatulong sa inyo na makarating nang ligtas makapunta/mula sa bagong light rail station at sa paligid ng kapitbahayan ninyo.  

Mapa ng Proyekto

Ipinapakita ng mapa ng proyektong ito ang bagong light rail station at ang mga kalye kung saan ang mga elemento ng proyekto ay itatayo. Ang lugar ng proyekto ay magsisimula sa NE 130th at 1st Ave NE, patungong timog-silangan sa kahabaan ng Roosevelt Way NE, at pagkatapos pasilangan sa kahabaan ng NE 125th St, nagtatapos humigit-kumulangy sa Lake City Way NE. 

Iskedyul

Isang grapikong pagtatanaw sa timeline na nakasulat sa ibaba

  1. Pagpaplano (2023): Aming kinakausap ang mga miyembro ng komunidad at mga may-ari ng negosyo upang buuin ang nakaraang pagpaplano at pakikipag-ugnayan sa komunidad na ginawa sa lugar. Kasama sa aming gawain ang pagdidisenyo ng pagbubuti sa kaligtasan at pagiging naa-access nang patas at sa loob ng magagamit na pagpopondo.

  2. Disenyo (2024-2025): Lilikha kami at makikibahagi ng mga panukala sa disenyo ng proyekto, hihingi ng feedback sa komunidad, at isasapinal ang disenyo ng proyekto.  

  3. Konstruksyon (2025-2026*): Ibabahagi namin ang dagdag na impormasyon ukol sa iskedyul ng konstrusyon, mga aktibidad, at mga epekto sa kapitbahayan kapag umabot sa yugtong ito.    

  4. Magsisimula ang light rail service (2026): Plano ng Sound Transit na buksan ang NE 130th St Infill Station at simulan ang serbisyo sa 2026. Mangyaring bisitahin ang website para sa kasalukuyang iskedyul at impormasyon sa proyekto.

*Ang mga iskedyul sa konstruksyon ay maaaring magbago batay sa pagkakaroon ng crew at materyales.

Pinagmulan ng Proyekto

Ang NE 130th St & NE 125th St Mobility at Safety na Proyekto ay ang resulta ng mga proseso ng maraming pagpaplano at pakikipag-ugnayan sa komunidad. Narinig namin ang mga kapitbahay sa Pinehurst, Lake City Way, at mga nakapalibot na mga kapitbahayan tungkol sa inyong mga priyoridad para sa pagpapabuti ng kaligtasan at at pagkana-aacess sa inyong kapitbahayan. Bilang resulta ng NE 130th St & Shoreline South/NE 148th Stations: Multimodal Access Study na nilathala noong 2020, nakatanggap kami ng pagpopondo para maisulong ang hanay ng mga paghuhusay na ito na kinabibilangan ang mga aming narinig sa komunidad.

Nasa ibaba ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga maagang pagsusumikap na pagpaplano para sa proyektong ito.

NE 130th St & Shoreline South/NE 148th Stations: Multimodal Access Study: Noong 2020, ang Seattle Department of Transportation (SDOT) ay nakipag-ugnayan sa mga miyembro ng komunidad sa isang pag-aaral tungkol sa mga lugar sa paligid ng dalawang bagong light rail station. Tinukoy ng komunidad ang mga pangunahing priyoridad para sa mga pagbubuti, kabilang ang:

  • I-upgrade ang mga bangketa, mga pasilidad ng bisikleta, at mga tawiran sa kalye sa mga kapitbahayan na malapit sa mga hinaharap na mga istasyon ng light rail

  • Maglagay ng mga koneksyon sa paglalakad at pagbibisikleta sa kahabaan ng NE 130th St at NE 145th St

  • Pagbutihin ang NE 130th St overpass para sa mga taong naglalakad at nagbibisikleta

 

Ang pag-aaral ay nakabuo ng 18 ideya para sa mga proyekto para sa dalawang bagong istasyon ng light rail. Tatlo sa mga ideya (#1, 15, at 17) ay bahagi ng NE 130th & 125th St Mobility and Safety Project:

  • NE 130th St Overpass and Shared-Use Path (#1)

  • NE 125th St & Roosevelt Way NE Street Redesign (#15)

  • NE 125th St Transit & Crossing Improvements (#17)

 

130th and 145th Station Area Planning: Noong 2019, ang Office of Planning & Community Development (OPCD) ay nagsimula ng pagpaplano para sa 130th & 145th (ngayong tinatawag na 148th) Light Rail Station na mga lugar. Pinagsama-sama ng prosesong ito ang mga miyembro ng komunidad, ang kawani ng Lungsod ng Seattle, at ibang mga pampublikong ahensiya na mag-usap tungkol sa mga pagbabagong dadalhin ng mga mga bagong light rail stations sa rehiyon. Narinig namin sa komunidad ang tungkol sa pangangailangan para sa:

  • Pinahusay na kaligtasan para sa mga taong naglalakad at nagbibisikleta sa lugar

  • Pinahusay na mga koneksyon sa mga nakapalibot na kapitbahayan at istasyon ng light rail

  • Mas mabuting silangan/kanlurang koneksyon ng bus mula sa mga katabing kapitbahayan patungo sa istasyon ng light rail

  • Mga upgrade para sa hintuan ng bus para sa pagkonekta ng mga ruta sa istasyon ng light rail

Mga Kalapit na Proyekto

Mga Materyales ng Proyekto

  • Ipo-post kapag mayroon na.

Pagpopondo

Pagpopondo para sa proyektong ito ay nanggagaling sa Seattle Transit Measure, Levy to Move Seattle, Washington State Department of Transportation (WSDOT) Regional Mobility Grant, King County Metro, Sound Transit, Puget Sound Regional Council, at mga Pederal na kaloob.

Pagsasalin

Kung kailangan ninyong isalin ang impormasyong ito, mangyaring tumawag (206) 400-7515.

如果您需要此信息翻譯成中文 請致電 (206) 400-7515.

Kung kailangan mo ang impormasyon na ito na nakasalin sa Tagalog mangyari lamang na tumawag sa (206) 400-7515.

Si necesita traducir esta información al español, llame al (206) 400-7515.

Odeeffannoon kun akka siif (206) 400-7515.

Nếu quý vị cần thông tin này chuyển ngữ sang tiếng Việt xin gọi (206) 400-7515.

የዚህን መረጃ ትርጉም ከፈለጉ፣ በዚህ ስልክ ቁጥር ይደውሉ፡ (206) 400-7515.

ናይዚ ሓበሬታ ትርጉም እንተደሊኹም፣ በዚ ቁጽሪ ስልኪ ይድውሉ፡ (206) 400-7515.

당신이 번역이 정보를 필요로하는 경우에, (206) 400-7515 로 전화 해주십시오.

اذا تريد ترجمة هذه المعلومات, يرجى الاتصال برقم
(206) 400-7515.

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.