Maligayang Bati sa Transportation Equity Workgroup (TEW)!
አማርኛ • 繁体字 • 简体中文 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • Oromiffa • af-Soomaali • Español • Tagalog • ትግርኛ • Tiếng việt • English
Tungkol sa Amin
Ang aming trabaho ay tiyaking lahat ay may akseso sa ligtas at abot-kayang transportasyon. Lalo kaming nakatuon sa pagtulong sa mga komunidad na hindi nakatanggap ng sapat na suporta sa nakaraan.
Mga Serbisyo sa Pagsasalin
Mga indibidwal, koalisyon at mga organisasyong nakabase sa komunidad na nangangailangan ng mga serbisyo sa pag akseso sa wika upang makatulong na makumpleto at isumite ang mga aplikasyon o Mga Liham ng Suporta ay maaaring mag email satransportationequity@seattle.govo tumawag sa (206) 530-3260.
Sino ang maaaring Mag-apply?
Maaari kayong mag aplay kung mayroon kayong karanasan at kaakibat ng isang grupo sa King County na tumutulong:
- Mga komunidad ng BIPOC
- Mga komunidad na mababa ang kita
- Mga imigrante at refugee
- Mga taong may kapansanan
- Mga taong LGBTQIA+
- Pabahay para sa hindi ligtas na mga tao
- Mga babae at mga taong nagpapakilala na babae
- Kabataan at mga taong tumatanda
- Mga taong dating nakakulong
- Mga komunidad na nakararanas ng mataas na pagpapalayas
Anong uri ng tulong ang maaari kong makuha kung mayroon akong espesyal na pangangailangan sa pag-akseso?
Ginagawa namin ang lahat ng pagsisikap upang mapaunlakan ang mga pangangailangan ng aming grupo. Makikipagtulungan sa inyo ang aming mga tauhan sa paghahanap ng mga solusyon para sa inyong mga partikular na pangangailangan.
Ako ba ay mababayaran?
Oo! Sa loob ng unang tatlong buwan ng inyong oriyentasyon, kikita kayo ng $50 bawat oras. Kapag natapos na ninyo ang proseso ng oryentasyon, makakatanggap kayo ng $75 kada oras at maaari kayong kumita ng hanggang $7,500 kada taon.
Ano ang aking gagawin?
Inaasahan na maglingkod kayo ng tatlong taon, at maaari kayong magpalawig ng karagdagang dalawang taon pagkatapos ng inyong unang termino. Dadalo kayo ng 2-4 na pulong (karamihan sa Zoom) at magtatrabaho ng mga 9-10 na oras bawat buwan. Makikipagtulungan kayo sa iba pang mga miyembro ng grupo at mga kawani ng lungsod sa mga pulong na ito.
Ano ang Proseso ng Pagpili?
Isang grupo ng mga miyembro ng TEW at kawani ng SDOT ang susuri ng mga isinumiteng mga aplikasyon at liham ng pag-suporta sa proseso ng pagtanggap sa trabaho. Pipiliin ng grupo na ito ang mga kandidato para interbyuhin. Pagkatapos ng mga pag-iinterbyu, ang grupo ang gagawa ng huling desisyon at ipapaalam sa mga kandidato ang mga resulta.
Ano ang Transportation Equity Framework (TEF)?
Ang TEF ay isang plano na ginawa namin kasama ang mga miyembro ng komunidad upang tiyakin ang mas makatarungan na sistema ng transportasyon. Ngayon ay nagsusumikap kami na ipatupad ang plano na ito.
Para sa karagdagang mga detalye o upang magtanong, huwag mag atubiling mag email sa amin sa transportationequity@seattle.gov. Tinatanaw namin na marinig ang tugon na galing sa inyo!