Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon ng Seattle
አማርኛ • 繁体字 • 简体中文 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • Oromiffa • af-Soomaali • Español • Tagalog • ትግርኛ • Tiếng việt • English
Isang kasaysayan ng mga rasistang patakaran at kakulangan sa pamumuhunan ang lumikha ng mga hindi pagkakapantay-pantay sa ating sistema sa transportasyon, kabilang ang mas mahabang pagbiyahe para sa mga komunidad ng ibang kulay kaysa sa kanilang katapat na mga puti dahil sa pag-alis, at kadalasan sa mas kulang na access sa mataas na kalidad na serbisyo ng transit. Bagama't ang mga komunidad ng ibang kulay ay mas mababa ang kontribusyon sa polusyon, hindi katimbang ang kanilang nararanasang mga pangmatagalang epekto ng rasismong ito, kabilang ang limitadong pag-access sa mga oportunidad at kayamanan. Ang pagsasama nitong bagong Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Framework] (TEF) sa mga patakaran at operasyon ng departamento ay isang hakbang patungo sa pagtutugon sa mga isyung ito.
Pag-unlad
Ang Pangkat ng Nagtatrabaho para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Workgroup] (TEW) ay itinatag noong maagang 2019 para makakuha ng input mula sa malawak at magkakaibang hanay ng mga miyembro ng komunidad na kumakatawan sa mga Itim, Katutubo, Mga Taong May Kulay at mga mahihinang komunidad. Bawat miyembro ng TEW ay konektado sa mga lokal na organisasyon sa rehiyon ng Seattle-King County at inilalapat ang kanilang mga karanasan at propesyonal na kaalaman upang kilalanin ang mga aksyon na makakatulong lutasin ang mga hamon na kaugnay sa transportasyon. Ang kanilang mga input ay ginagamit sa pagtukoy ng isang hanay ng mga kahalagahan at istratehiya para sa TEF, na gagabay sa mga aksyon ng mga empleyado ng Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle [Seattle Department of Transportation] (SDOT) para sa mga darating na taon.
Batay sa ibinahaging mga layunin ng Programa para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Program] (TEP):
- Ang TEF ay isang mapa para sa mga tagapagpasiya, mga empleyado, mga stakeholder, mga kasosyo ng SDOT, at ang mas malaking komunidad upang magkasamang lumikha ng mas makatarungang sistema ng transportasyon.
- Binubuo mula sa Inisyatibo para sa Katarungang Panlahi at Panlipunan [Race and Social Justice Initiative] (RSJI) ng Lungsod ng Seattle, tinutugunan ng TEF ang mga pagkakaibang umiiral sa ating mga sistema sa transportasyon dahil sa institusyonal na rasismo.
Noong 2021, patuloy na nakipagtulungan ang SDOT sa mga miyembro ng TEW para magkasamang i-disenyo ang Plano sa Pagpapatupad. Mula Enero hanggang Agosto 2021, ang mga kawani ng SDOT at mga miyembro ng TEW ay nagtulungan sa isang serye ng mga pagpupulong na nagbigay-daan para ang mga lumahok ay bumuo ng mas malalim na mga ugnayan, aktibong makining, at malikhaing mag-isip upang magkasamang lumikha ng isang plano ng pagpapatupad.
Mga Materyales ng Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay
- Ang Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon, Bahagi 1: Mga Kahalagahan at mga Istratehiya
- Mga Handouts para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon (Imprentahin at Ibahagi)
- Folio ng Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon
Plano ng Pagpapatupad ng TEF
Kabilang sa plano ng pagpapatupad ang mga taktika na sumusulong sa mga kahalagahan at istratehiya na tinukoy sa Unang Bahagi ng TEF:
- Ang mga taktika ay nasa iba't ibang mga kategorya mula sa adbokasiya, patakaran, programa, proyekto hanggang sa mga taktika na mas mga pang-kulturang pagbabago para sa aming departamento tulad ng mga panloob na proseso at mga pinakamahusay na mga kasanayan.
- Ang plano ay mula 2022 hanggang 2028, na sa pag-uunawa ay isa itong dinamikong dokumento na isasaayos, susubaybayan, at regular na itatama sa panahon.
Kasama sa interactive na dashboard ng plano ng pagpapatupad sa ibaba ang higit sa 200 na mga taktika na inayos ayon sa mga kahalagahan ng TEF. Usisain nang higit nang matuto!
Dashboard ng TEF
Mga binaggit na Pinagmulan:
- Mga Pagbabago sa mga Pagkalantad sa Polusyon sa Hangin na Kaugnay sa Transportasyon ayon sa Lahi-Etnisidad at Sosyo-Ekonomiko na Katayuan
- Ang hindi pagkakapantay-pantay sa pagkonsumo ng mga produkto at mga serbisyo ay nakakadagdag sa mga pagkakaiba-iba ng lahi at etniko sa pagkalantad sa polusyon sa hangin.
- Pag-Uunawa sa Mga Pagkakaiba-iba sa Lahi sa Pagkalantad sa Polusyon sa Hangin na Kaugnay sa Trapiko
- Mga Taong May Kulay ang pinakamatinding tinamaan ng polusyon sa hangin mula sa halos lahat ng panggagalingan