Greenways in Tagalog

Ang Seattle ay bumubuo ng isang network ng mga neighborhood greenways

Ang mga Neighborhood greenways ay mas ligtas, mas tahimik na mga kalyeng pang residensyal para sa iyo, sa iyong pamilya at mga kapitbahay. Sa mga kalye na may mababang dami ng ng mga sasakyan at bili, ang greenway ay maaring:

  • Makapagpabuti at magdagdag ng kaligtasan
  • Tulungan ang mga taong makatawid sa abalang mga kalye
  • Hinihikayat ang mga kotse mula sa paggamit ng kalyeng kapitbahayan upang maiwasan ang mga pangunahing kalye
  • Protektahan ang imaheng pangresidensyal  ng aming mga kapitbahayan
  • Panatilihing mahina at mababa ang bilis
  • Kumuha ng mga tao sa kung saan sila gustong pumunta tulad ng mga parke, mga paaralan, mga tindahan at restawran

Ang mga neighborhood greenways ay hindi magdadagdag ng mga lanes para sa bisikleta at kaunti lang kung meron mang epekto sa pagparke sa kalye.

Ito ay kadalasang binanbadyetan sa pamamagitan ng siyam na taong botanteng apribado ng Bridging the Gap Levy. 

Ang SDOT ay nakatanggap ng maraming kahilingan para sa kanila.  Sa katunayan, maraming residente ang nahikayat at nag-umpisang magtatag ng Seattle Neighborhood Greenways upang tumulong na dalhin ito sa kanilang kapitbahayan.

Current Projects

Recently Completed Projects

 

Mga nagbibisikleta

Mas ligtas at komportableng ruta

Mga residente

Mas tahimik na kalye at mas malawak na komunidad

Mga Drayber

Mas ligtas, mas tahimik madaling matuntong mga kalye

Mga tumatawid

Mas ligtas na tawiran at daanan

Deskripsyon

Ang neighborhood greenways ay nagsimula sa isang mabuting pundasyon at gumagawa ng maliliit na pagpapabuti na dumadagdag para sa isang malaking pagbabago o kaibahan. Bawat kapitbahayan ay natatangi, ngunit, merong iilang karaniwang greenway na elemento na ating magagamit kahit saan.

  1. Baguhin ang bilis ng sasakyan sa 20 mph
  2. Magdagdag ng may halos isang umbok sa daan kada kanto.
  3. Magdagdag ng mga tamang palatandaan upang matulungan ang mga taong matunton ang tamang daan
  4. Magdagdag ng mga kombinasyon ng karugtong sa gilid ng bangketa, mabilis na naga ilaw-babala,daanan sa gitna,  isla sa daan at mga palatandaang trapiko sa mga abalang interseksyon.
  5. Magdagdag ng mga palahintuan sa daan patungong greenway.
  6. Siguraduhing maayos ang mga gilid ng bangketa at mga daanan at magdagdag ng mga ramps sa gilid ng mga bangketa.

Children with balloons

Mga Instruksyon kung Paano gamitin ang Neighborhood Greenways

Sa mga Tumatawid

  • Sundin ang lahat ng mga batas trapiko at palatandaan
  • Sumunod sa mga hudyat at alituntunin upang manatili sa greenway

Mga nagbibisikleta

  • Sundin ang lahat ng mga batas trapiko at palatandaan
  • Magbigay daan sa mga tumatawid at mga motorista na may karapatang dumaan.
  • Mag-ingat sa pagtawid sa mga interseksyon
  • Sundan ang mga marka para sa daanan ng bisikleta upang manatili sa greenway

Mga Motorista

  • Mag-ingat sa mga pedestriyan at nagbibisikleta
  • Sundin ang lahat ng mga palatandaan at sinyales sa daan
  • Panatilihing nakatingin sa likuran, kaliwa o kanan habang paatras ang iyong sasakyan
  • Bawasan ang bilis ng sasakyan habang papasok ng interseksyon o di kaya ay liliko.
  • Ang paggamit sa pambisikletang daan ay ligtas.
  • Gawing ligtas ang paglampas sa kapwa motorista sa tamang bilis at distansya sa layong mahigit tatlong talampakan.
  • Mag-ingat sa pagbukas ng pintuan ng iyong sasakyan. Panatilihing ligtas sa mga naglalakad o di kaya’y  kapwa motorista.

Children on bikes

 

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.